Metro Manila, mga kalapit na lalawigan makararanas pa rin ng pag-ulan
Nagpapatuloy ang nararanasang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan sa susunod na mga oras.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 6:18 ng gabi ngayong Biyernes, June 19 katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Bataan at Pampanga.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa sumusunod na mga lugar:
– Metro Manila (Muntinlupa, Las Pinas, Taguig, Paranaque)
– Tarlac (Mayantoc, Paniqui)
– Bulacan (Dona Remedios Trinidad, Norzagaray)
– Rizal (Antipolo, Tanay, Rodriguez, Pililla)
– Laguna (SantaMaria, Famy, Magdalena, Majayjay, Lumban, Cavinti, Luisiana)
– Quezon (Lucban, General Nakar, Mauban, Tayabas)
– Cavite (Bacoor, Imus)
– Batangas (Laurel, Tuy)
– Nueva Ecija (General Tinio)
– Zambales
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng pagkakaroon ng flash flood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.