Bar sa Makati kung saan naaresto ang 16 na dayuhang nag-iinuman, ipinasara na

By Dona Dominguez-Cargullo June 19, 2020 - 06:03 PM

Ipinag-utos ni Makati City Mayor Abby Binay ang pagpapasara sa isang bar sa Makati City kung saan nahuli ang 16 na dayuhan na nag-iinuman.

Isinilbi ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Makati City Hall ang closure order sa Devolution Bar and Kitchen sa Brgy. Poblacion.

Ito ay dahil lumabag ang establisyimento for sa Section 4A ng Revised Makati Revenue Code o ang City Ordinance No. 2004-A-025 at gayundin sa general community quarantine protocols.

Ang mga dayuhan na karamihan ay Cameroonians ay naarestong nag-iinuman sa loob ng naturang bar.

Ang ilan sa kanila ay nahulihan din ng shabu.

 

 

TAGS: Business Permits and Licensing Office, Devolution Bar, Inquirer News, makati city, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Business Permits and Licensing Office, Devolution Bar, Inquirer News, makati city, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.