Globe suportado ang pagpapalawig pa sa Bayanihan to Heal as One Act

Suportado ng kumpanyang Globe ang pagpapalawig pa sa Bayanihan to Heal as One Act.

Ayon sa Globe, ang pag-iral ng nasabing batas ay makatutulong sa Globe upang makamit ang target nitong mabilis na makapagtayo ng mas marami pang cell sites sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa pahayag ng Globe, ang pagpapalawig sa Republic Act No. 11469 ay makapagpapabilis din sa konstruksyon ng information and communications technology (ICT) infrastructure.

Sa ilalim kasi ng Bayanihan Act mapapabilis ng hanggang 7 araw lang ang pag-apruba ng mga LGU sa permits at clearances.

“For years, our network expansion plans have been hampered by bureaucracy among LGUs and homeowners associations. This has been the main reason why building cell sites even before the COVID-19 crisis has been very difficult and slow. Hopefully under the extended Bayanihan Act things will change for the better. This will benefit not only the consumers but the LGUs themselves as they also need digital solutions to serve their constituents better,“ ayon kay Atty. Froilan Castelo, General Counsel ng Globe.

Maliban sa pagkuha ng permit sa LGUs, barangays at homeowners’ associations, marami pang prosesong pinagdaraanan ang Globe sa pagtatayo ng cell sites.

Kabilang dito ang zoning, locational clearance, building, electrical, sanitation, mechanical at occupancy compliance.

Kailangann ding kumuha ng Right of Way permit mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kailangan ding dumaan sa national government agencies gaya ng Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), National Commission on Indigenous Peoples to at maraming iba pa.

Kadalasan ayon sa Globe tumatagal ng halos isang tao ang proseso.

“President Duterte can motivate the LGUs to be more responsive and creative in elevating their services to the people especially in these difficult times using available technology. The Chief Executive’s invaluable support can also help the Department of Information and Communications Technology (DICT) and the telcos to turn into reality the target of building 50,000 additional cell sites to meet the demand of 100 million Filipino Internet users in the country,” ani Castelo.

 

 

Read more...