James Reid at Nadine Lustre, opisyal nang magkasintahan

By Mariel Cruz February 21, 2016 - 01:06 PM

jadine
Photo from James Reid’s IG account

Opisyal na magkasintahan na ang magkatambal na sina James Reid at Nadine Lustre o mas kilala bilang JaDine matapos ang ilang taon ng pagiging onscreen loveteam.

Ito ang inamin ni James sa harapan ng marami nilang fans sa “JaDine in Love” concert na ginanap kahapon.

Sa kanilang concert, proud na sinabi ni James na ‘officially JaDine’ na sila kasabay ng pagbibitaw ng salitang “I love you” kay Nadine.

Naging ganap na aniya silang couple matapos na sagutin siya ni Nadine noong nakaraang February 11.

Matapos ng pag-amin, agad na nagpost si James sa kanyang Instagram account ng kanilang larawan ni Nadine na may caption na “Well, that was fun #JaDineInLoveConcert”.

Inulan naman ang social media ng mga pagbati mula sa mga kinikilig na fans ng JaDine matapos ang naturang pag-amin ng Kapamilya actor.

Mas sumikat ang tambalang JaDine nang pagbidahan nito ang teleserye ng ABS CBN na “On The Wings of Love” na magtatapos na sa Biyernes.

TAGS: JaDine, james Reid, Nadine Lustre, JaDine, james Reid, Nadine Lustre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.