FDA may paalala sa publiko sa paggamit ng Dexamethasone
Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa paggamit ng gamut na Dexamethasone.
Ayon sa FDA, ang Dexamethasone ay isang prescription drug at dapat gamitin lamang kung may istriktong superbisyon ng licensed physician.
Sinabi ng FDA na may mga Dexamethasone products namang rehistrado sa Dexamethasone FDA.
Pero ayon sa FDA ang naturang gamit ay dapat makuha lamang mula sa licensed establishments at ipagbibili lang ito sa mayroong valid prescription.
Ang pagbebenta naman ng hindi rehistradong Dexamethasone o ang pagbebenta nito sa indbidwal na walang valid prescription o maging sa online ay mahigpit na ipinagbabawal.
Ang Dexamethasone ay isang steroid drug ay ibinibigayng licensed physician base sa medical condition ng isang pasyente.
Ang maling paggamit nito ay maaring magdulot ng serious adverse reactions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.