Biyahe ng mga provincial bus inirekomendang ibalik na

By Erwin Aguilon June 19, 2020 - 04:24 PM

Radyo Inquirer File Photo

Hinikayat ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang pamahlaan na payagan na ang pagbyahe ng mga provincial bus.

Malaking dagok anya sa paggalaw at paghahanap-buhay ng mga tao ang hindi pagpayag na makabyahe ang mga provincial bus.

Ayon kay Salceda, mas makabubuti na alisin na ang provincial bus ban sapagkat pinapahintulutan na rin naman sa ngayon ng mga lokal na pamahalaan ang paglabas at pagpasok ng mga sasakyan sa Metro Manila, gayundin ang pagbalik nang operasyon ng ilang bus lines.

Ani Salceda, “A continuation of provincial bus bans, at this point, would have very little utility as far as preventing infections is concerned, and great damage to the mobility of people who have to go to work”.

Binigyan diin ng kongresista na hindi makaka-recover ng husto ang ekonomiya ng bansa hanggang sa hindi operational ang transportasyon dahil patuloy na mahihirapan ang publiko, na aniya’y “driving force of the economy”.

Mahalaga rin aniya ito upang sa gayon ay gumana at maging epektibo ang pagpapatupad ng economic stimulus plan na kanyang pangunahing iniakda.

Kasabay nito dapat anyang tiyakin ang pagsunod sa pinapairal na health standards.

“If they’re stuck in the provinces or in Manila, away from where they usually create value, the stimulus will face serious roadblocks,” dagdag pa nito.

Inirerekomennda rin nito na magkaroon ng programa ang pamahalaan na makapag-operate ang mga provincial buses na hindi naman palugi pero hindi rin maisasakripisyo ang kaligtasan at kalusugan ng mga mananakay.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, provincial buses, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, transportation, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, provincial buses, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.