Negros Occidental niyanig ng magnitude 3.4 lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 16 kilometers northeast ng La Carlota City alas-2:48 ng hapon Biyernes (June 19).

May lalim na 7 kilometers at volcanic-tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity II sa La Carlota City at Bago City bunsod ng pagyanig.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

Read more...