Mahigit 40,000 na OFWs napauwi na sa mga lalawigan – DOTr
Sa loob ng nagdaang mga araw umabot sa mahigit 40,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naserbisyuhan sa ilalim ng ‘Hatid Probinsya para sa mga OFWs’ Program.
Ayon sa datos ng Department of Transportation (DOTr), umabot na sa 40,534 ang napauwing OFWs sa kanilang mga lalawigan.
Sa nasabing bilang, 11,809 ang naihatid by land at 16,637 ang bumiyahe sa pamamagitan ng eroplano mula May 25 hanggang June 18.
Habang 12,088 naman ang bumiyahe sa pamamagitan ng barko mula April 27 hanggang June 18.
Ang “Hatid Probinsya para sa mga OFWs” ay pinangungunahan ng DOTr, DOLE, OWWA, CAAP, PCG, DILG, PPA, OTS, MIAA, LTO at LTFRB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.