Nilinaw ng Philippine Military Academy Alumni Association na malaya naman ang mga miyembro nila na mamili ng gusto nitong iboto sa darating na eleksiyon.
Ngunit sinabi ni Lt. Col. Reynaldo Balido, tagapagsalita ng PMA na walang dinadala at hindi nagbibigay ng suporta sa isang partikular na kandidato ang Alumni Association.
Kung mayroon man aniyang gustong suportahan ang isang klase o sinumang miyembro, ito ay batay lamang sa sarili nilang kapasidad at hindi kumakatawan sa buong asosasyon.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Balido na may inilaang espasyo ang pamunuan ng PMA sa grandstand para sa mga honorary at adopted members na kumakandidato o pulitiko at dumalo sa PMA Alumni homecoming kahapon.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang pagdiriwang sina Sen. Gringo Honasan at dating senador Panfilo Lacson na parehong mula sa PMA Class 1971.
Maging si Luli Arroyo na adopted member ng PMA Class 1991 ay dumating din.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.