LGU special education fund nais madagdagan ni Sen. Bong Go

Itinutulak ni Senator Christopher Go ang isang panukala para madagdagan ang pondo ng mga lokal na pamahalaan para sa mga programang pang-edukasyon.

Ayon kay Go dapat mapalawig ang pagpapatupad ng Special Education Fund para makatugon sa iba pang mga pangangailangan ng sistemang pampublikong edukasyon.

Katuwiran pa niya, kailangan ng pondo ng LGUs para sa ikakasang ‘blended learning’ ngayon nakikipaglaban pa ang gobyerno sa COVID-19.

Inihain ni Go ang Senate Bill No. 396 o ang “Expanding the Purposes and Application of the Special Education Fund”, para magkaroon ng karagdagang isang porsiyento Special Education Fund.

Paliwanag ng senador, layon din ng kanyang panukala na magamit sa iba pang programa na may kinalaman pa rin sa edukasyon ang pondo, tulad ng pagsasa-ayos ng mga eskuwelahan, pagbili ng mga kinakailangan kagamitan at para sa benepisyo ng mga guro.

Magagamit din aniya ang pondo sa pagpapatupad ng Alternative Learning System.

 

 

Read more...