Gobyerno malamig sa pagpapabilis ng internet speed ayon kay Sen. Marcos

By Jan Escosio June 19, 2020 - 11:53 AM

Inalmahan ni Senator Imee Marcos ang tila kawalan ng interes ng gobyerno na mapabilis ang internet speed ngayon nagpapatuloy ang pandemiya dulot ng COVID-19.

Nanawagan si Marcos sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na madaliin na ang pagpapabilis ng internet speed sa bansa at gawin itong prayoridad tulad ng pagbibigay halaga sa mga proyekto na kabilang sa Build-Build-build program.

“Let’s level up, DICT! The Philippines is Asia’s laggard when it comes to internet speed, at only 3.5 mbps. Upgrading the country’s digital capacity is urgent and long overdue,” sabi ni Marcos at tanong pa nito, “Whatever happened to the entry of a third telco player? The public eagerly awaits an update on the timelines of DICT’s programs.”

Banggit niya mabuti pa ang internet speed sa mga mas maliliit na bansa tulad ng Laos, Myanmar ant Cambodia, samantalang 22 ulit na mabilis ang internet speed sa Singapore at Hong Kong base sa Ookla Net Index.

Aniya ang masiglang ekonomiya ang pag-asa ng Pilipinas kapag nalagpasan ang COVID-19 sa hinaharap.

Banggit pa nito ang tagumpay ng gobyerno sa pagsasagawa ng contact tracing, online education, e-commerce at e-jobs, maging ang pagsugpo sa krimen at eleksyon ay nakadepende sa tinatawag na “digital infrastructure.”

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, internet connection, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, internet connection, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.