Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan sa susunod na mga oras.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 10:30 ng umaga ngayong Biyernes, June 19 katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga at Rizal.

Malakas hanggang sa matinding buhos ng ulan naman ang nararanasan sa General Tinio, Nueva Ecija; San Rafael at San Ildefonso, Bulacan; General Trias, Tanza, Trece Martires, Indang, Alfonso, General Emilio Aguinaldo, Maragondon, Magallanes, Tagaytay at Mendez sa Cavite; Nasugbu, Calaca, Laurel at Lemery sa Batangas; Lumban, Laguna; General Nakar, Real, Atimonan, Padre Burgos, Mulanay, San Francisco, San Narciso at San Andres sa Quezon.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng pagkakaroon ng flash flood.

 

 

Read more...