Leachon kay NTF chief Galvez: Akala ko you hold my back hindi po pala

By Dona Dominguez-Cargullo June 19, 2020 - 10:23 AM

Umasa si Health Reform Advocate Dr. Anthony Leachon na ipagtatanggol man lang sana siya ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero ayon kay Leachon, hindi ito ginawa ni Galvez.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Leachon na nagalit pa nga umano sa kaniya si Galvez at nasigawan siya noong iginigiit niya ang kaniyang research tungkol sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya ng COVID-19.

“Sana naipagtanggol man lang ho ninyo ako sa pangulo, para hindi naging masama ang tingin sa akin ng pangulo,” ayon kay Leachon nang hingan ng mensahe kay Galvez.

Sinabi ni Leachon na hinangaan niya si Galvez at inakala niyang maghihiwalay sila nito na magkaibigan.

“akala ko you hold my bak, hindi po pala e,” dagdag pa ni Leachon.

Ani Leachon, mabuti pa si DILG Sec.
Eduardo Año na nagbigay ng pahayag at sinabing mabuting tao si Leachon.

Una nang lumabas ang balita na mismong si Pangulong Duterte ang may gusto na mabitiw si Leachon bilang special adviser ng NTF.

Bagay na ikinalungkot at ikinasama ng loob ni Leachon.

 

 

 

 

 

TAGS: anthony leachon, Carlito Galvez, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, ntf, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, anthony leachon, Carlito Galvez, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, ntf, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.