15,000 pang OFWs darating sa bansa ngayong buwan
Ngayong nalalabing mga araw ngayong buwan ng Hunyo, mayroong 15,000 Overseas Filipino Workers ang uuwi sa bansa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na hanggang sa katapusan ng buwan ng Hunyo ay 15,000 pang OFWs ang uuwi.
Simula nang magkaroon ng problema sa pandemic sa COVID-19 ay mahigit 54,000 na OFWs na ang napauwi sa bansa.
Kailangan lamang ayon kay Bello na maghintay-hintay para sa schedule ng repatriation, dahil hindi pwedeng biglaan ang pagpapauwi sa mga OFW.
Nitong mga nagdaang araw, umaabot sa mahigit 1,000 hanggang 2,000 na OFWs ang nakakauwi sa bansa araw-araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.