Taong 2008 nang maipasa ang ordinansa sa Quezon City na mahigpit na ipinagbabawal ang mga sasakyan na bumiyahe sa gabi na walang mga headlights.
Pagkatapos ng maraming taon ay muli na namang nabubuhay ang isyu tungkol sa mga sasakyan na bumabiyahe nang walang headlights sa gabi gaya ng mga motor at mga public transportation tulad ng Jeep.
Babala ni LTFRB Board Member Ariel Inton, ipinagbabawal ang pagbiyahe o pamamasada ng mga sasakyan na walang head lights dahil sa peligrong posibleng idulot nito sa mga mananakay, sa tao sa kalye pati na sa mga drivers.
Ipinaliwanag ni Inton na ang pakikipagtulungan ng konseho ng QC sa LTFRB ay nauna na bago pa man nangyari ang aksidente kung saan ang isang luma at halos bulok na jeep ang umararo sa mga tambay sa Parañaque City.
Maliban dito ay natuklasan din ng LTFRB na ang nasabing jeep ay matagal nang walang prangkisa dahil suspended na ang registration noon pang 1992 at maging ang lisensya ng driver ay peke.