53,000 residente, nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Kalingang QC Program Online Payout

By Angellic Jordan June 18, 2020 - 11:25 PM

Umabot sa mahigit 53,000 residente ang nabigyan ng tulong sa Quezon City hanggang June 18.

Ayon sa Quezon City government, kabilang sa mga nabigyan ng tulong-pinansiyal sa ilalim ng Kalingang QC Program Online Payout ang persons with disability (PWDs), senior citizens, at solo parents.

Katuwang ng QC local government unit sa proyekto ang Sangguniang Panlungsod para sa mga sektor na lubhang apektado ang kabuhayan bunsod ng community quarantine.

Tiniyak ng QC LGU na patuloy ang pamamahagi nito sa mga susunod na araw.

Paalala naman nito, posibleng makaranas ng pagkaantala sa website dahil sa dami ng bilang ng mga taong nagpaparehistro.

Dahil dito, humingi ng pang-unawa ang QC LGU sa mga residente ng lungsod.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, Kalingang QC Program Online Payout, QC LGU, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, Inquirer News, Kalingang QC Program Online Payout, QC LGU, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.