COVID-19 cases sa Navotas City, nasa 355 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, walo ang bagong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa huling datos hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (June 18), umakyat na sa kabuuang 355 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Nanatili naman sa 173 ang total recoveries sa lungsod habang 40 pa rin ang pumanaw.

Read more...