Walang banta ng tsunami sa bansa matapos ang pagyanig sa Kermadec Islands – Phivolcs

Tiniyak ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa Pilipinas

Kasunod ito ng tumamang magnitude 7.4 na lindol sa bahagi ng Kermadec Islands, Huwebes ng gabi.

Namataan ang episentro ng malakas na lindol sa Katimugang bahagi ng Kermadec Islands bandang 8:50 ng gabi.

May lalim na 33 kilometro ang pagyanig.

Read more...