Walo pang kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas
Nagpositibo ang walo pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang June 18, umakyat na sa 164 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– 38-anyos na babaeng residente ng Bacolod City
– 30-anyos na lalaking residente ng Hinigaran, Negros Occidental
– 37-anyos na lalaking residente ng Bacolod City
– 40-anyos na lalaking residente ng Bacolod City
– 38-anyos na babaeng residente ng Bacolod City
– 35-anyos na lalaking residente ng Bacolod City
– 44-anyos na lalaking residente ng Oton, Iloilo
– 25-anyos na lalaking residente ng Miagao, Iloilo
Sa ngayon, nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Samantala, umakyat naman sa 106 ang mga gumaling sa Western Visayas.
Nanatili naman sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.