Consumer protection, dapat palakasin – Sen. Go

By Jan Escosio June 18, 2020 - 05:51 PM

Ngayong dahan-dahan na pinasisigla ang ekonomiya, umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno na palakasin pa ang mga programa para sa proteksyon ng mga konsyumer.

“Habang unti-unti pong nagbubukas ang ilang sektor ng ating ekonomiya, sana po ay patuloy rin nating palakasin pa ang mga proteksyon para sa kapakanan ng mga Filipino consumers upang mapagaan ang kanilang pinapasan lalo na sa panahong ito,” ayon kay Go.

Sinabi pa nito, ang inihihirit niya ay isabay sa pagtityak ng may sapat na suplay ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo

“Mas palakasin pa dapat ng mga concerned agencies ang kanilang price monitoring operations upang walang magtangkang magsamantala sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa,” banggit pa ni Go.

Una nang nangako ang Department of Trade and Industry na mahigpit na babantayan ang presyo ng mga bilihin maging ang bayad sa mga serbisyo na iniaalok online para protektahan ang mga konsyumer sa mga mapagsamantala at manloloko.

TAGS: Consumer protection, dti, Inquirer News, Philippine economy 2020, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Consumer protection, dti, Inquirer News, Philippine economy 2020, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.