U.S. nagbigay ng P126M bilang suporta sa edukasyon sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 crisis

By Angellic Jordan June 18, 2020 - 04:32 PM

Nagbigay ang gobyerno ng Amerika ng $2.5 million o P126 milyon sa Pilipinas bilang suporta sa pagpapatupad ng Basic Education-Learning Continuity Plan sa bansa.

Ayon sa U.S. Embassy, layon ng U.S. Agency for International Development (USAID) na makatulong sa edukasyon ng bansa sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Nakipagtulungan ang USAID sa Department of Education (DepEd) para matiyak na maipagpapatuloy ng mga guro ang pagtuturo at may matututunan pa rin ang mga estudyante kahit sarado pa ang mga eskwelahan.

Magbibigay ang USAID sa mga guro ng instruction strategies at learning materials na maaaring gamitin sa paaralan at bahay.

Maliban dito, tutulong din ang USAID sa DepEd sa pag-develop ng mabilis at easy-to-use assessment tools upang masuportahan pa rin ng mga guro ang literacy skills ng mga estudyante.

Mag-aasiste rin ang USAID sa pagbuo ng mga aktibidad na maaaring gawin ng mga magulang sa bahay.

“The U.S. government, through USAID, remains committed to ensuring young students have the opportunity to continue to learn despite the challenges that COVID-19 has created,” pahayag ni USAID Mission Director Lawrence Hardy.

Ayon sa U.S. Embassy, posibleng maapektuhan ang pag-aaral ng mahigit-kumulang 27.7 milyong batang Filipino bunsod ng pagsasara ng mga eskwelahan dulot ng pandemiya.

TAGS: Basic Education-Learning Continuity Plan in Philippines, Inquirer News, Radyo Inquirer news, U.S. Embassy in the Philippines, USAID, USAID Mission Director Lawrence Hardy, Basic Education-Learning Continuity Plan in Philippines, Inquirer News, Radyo Inquirer news, U.S. Embassy in the Philippines, USAID, USAID Mission Director Lawrence Hardy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.