Lalawigan ng Batangas maghapong inikot ni BBM

By Jong Manlapaz February 20, 2016 - 07:01 PM

BBM1Batangas naman ang sunod na sinuyod ni Sen. Bongbong Marcos na kandidato sa pagkabise presidente.

Nagsimulang mag-ikot ang caravan ni marcos sa bayan ng Balayan, Batangas na mainit na sinalubong ng mga Batangueño.

Dito pansamantalang huminto si Marcos sa multi-purpose covered court ng Balayan upang ilahad ang plataporma sa mga naghihitay na mga Batangueño.

Muli ay inulit ni Marcos ang kanyang pangarap na matapos ang pagkahatihati ng mamayan dahil sa pulitika. Nagpaabot naman ng suporta ang mga local overment officials ng Balayan Batangas sa pangunguna ni Mayor Manny Fronda.

Pagkatapos nito tumuloy sa bahay ni Former Executive Secretary Eduardo Ermita, na provincial chairman of LAKAS-CMD sa Batangas at Regional chairman ng Lakas CMD sa Calabarzon at dito inindorso ni Ermita si Marcos.

Pagkatapos nito ay isusunod na ikutin ang bayan ng Calaca kung saan ay sinalubong siya ni Calaca Mayor Manuel Ona kasama na ang local officials at 39 na mga baranagy leadres. Inikot din ni Marcos ang mga bayan ng Lemery, San Luis bago dumiretso sa pulong kasama ang mga miyembro ng Free Mason sa Batangas Convention Center sa  Batangas City.

TAGS: Batangas, BBM, Ermita, Marcos, Batangas, BBM, Ermita, Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.