11 residente sa Bataan, gumaling na sa COVID-19

Nasa 11 pang residente ang naka-recover sa COVID-19 sa Bataan.

Sa update hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (June 18), umakyat na sa 152 ang gumaling sa COVID-19 sa lalawigan.

Nadagdagan din ang isa ang bilang ng mga nagpositibo.

Dahil dito, nasa 168 na ang confirmed COVID-19 cases sa Bataan.

Nanatili naman sa 10 ang pumanaw bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Samantala, umabot na sa 3,460 ang sumailalim sa pagsusuri sa Bataan.

Sa nasabing bilang, 3,107 ang lumabas na negatibo sa COVID-19 pandemic.

Read more...