Karagdagang pondo sa pagtugon sa COVID-19 hiniling ng Eastern Visayas
Nagpapasaklolo sa national government ang 14 na kongresista mula sa Eastern Visayas upang suportahan ang mga programa, proyekto at aktibidad na may kaugnayan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic sa Region 8.
Sa isang joint statement, nanawagan ang mga mambabatas mula sa Leyte at Samar sa pamahalaan na tiyakin ang supplies gaya ng PPEs para sa susunod na tatlong buwan.
Hiniling rin ng mga ito na mapondohan ang municipal quarantine centers; palakasin ang contact tracing capability sa rehiyon; maglagay ng regional processing center para sa mga nagbabalik-probinsya; at palakasin ang telehealth medicine.
Gayundin, dapat anilang garantiyahan ang proteksyon at kaligtasan ng medical frontline personnel; maghanda ng COVID-19 Regional Response Plan; at maipalabas na ang pondo sa ilalim ng 2020 GAA na inilaan para sa mga proyektong may kinalaman sa kalusugan at imprastraktura.
Sabi ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, dapat bilisan ang aksyon dahil mahalaga ang bawat oras sa panahon ng pandemiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.