Bilang ng mga preso at tauhan ng BuCor na tinamaan ng COVID-19, 301 na
Mayroon nang 301 na preso at tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, karamihan sa mga pasyente o 141 ay pawang mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City habang ang 82 ay mula sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Nakapagtala na rin ang BuCor ng 16 na nasawing preso dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Perete na mayroon ding 78 tauhan ng BuCor personnel na nagpositibo sa sakit.
Simula naman noong June 15 ay walang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang BuCor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.