Mga nagsulputang underground hospitals at clinics ng mga Chinese pinaiimbestigahan sa Kamara
Pinaiimbestigahan ng mga kinatawan ng Bayan Muna Partylist sa Kamara kung may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa mga nadidiskubreng mga underground hospital.
Base House Resolution 971 na inihain nina Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, nais ng mga ito magsagawa ng imbestigason ang House Defeat COVID-19 Committee ukol dito.
Nakasaad sa panukala na marami ang mga natutuklasang residential units, warehouses at clinics na ginawang medical facilities ng mga Chinese na hinihinalang may COVID-19.
Natagpuan din sa mga lugar na ginawang iligal na ospital ng mga Chinese ang mga kahon-kahong unregistered na gamot para sa COVID-19 na ginagamit sa kanilang mga pasyente.
Bukod dito, noong May 28 ay napagalaman na 300 POGO workers ang sumailalim sa illegal mass testing sa isang laboratoryo sa isang subdivision sa Parañaque.
Umapela ang mga mambabatas sa DCC na agad siyasatin kung talagang may kaugnayan ang mga POGOs sa iligal na medical facilities sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.