Lalaki arestado sa pananakit sa SK Chairman at mga tanod sa Pasay

By Jan Escosio June 18, 2020 - 12:18 PM

Naibaling sa Sangguniang Kabataan chairman at sa dalawang tanod ang galit ng isang walang trabahong lalaki nang pumagitna ang tatlo sa away ng mag-asawa sa Pasay City kaninang madaling araw.

Kinilala ang inaresto na si Rhen Jhay Cabrera, 31, residente ng Alfonso St., Barangay 123, sa lungsod.

Base sa ulat, pasado alas 3:00 ng madaling araw nang rumesponde sina SK Chairman Cecilio Rosario Jr., at dalawang barangay tanod sa bahay ni Cabrera at inabutan nila ito na nakikipag-away sa kanyang live-in partner.

Inawat ng tatlo ang mag-asawa dahil nakakabulabog na ng kanilang mga kapitbahay, ngunit pumalag si Cabrera at sinaktan pa ang mga opisyal ng barangay.

Nabatid na nasa impluwensiya ng alak ang suspek, na ngayon ay nahaharap na sa reklamong direct assault.

 

 

TAGS: direct assault, Inquirer News, News in the Philippines, Pasay City, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, direct assault, Inquirer News, News in the Philippines, Pasay City, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.