$500M loan ng Pilipinas sa ADB at $500M loan sa World Bank hindi pa magagastos para sa COVID-19

By Chona Yu June 18, 2020 - 12:00 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi pa gagastusin ng pamahalaan ang 500 milyong dolyar na loan ng Pilipinas sa Asian Development Bank para sa COVID-19 pati na ang 500 million dollars loan sa World Bank.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, reserba lamang ang naturang pondo sakaling lumala pa ang ekonomiya ng bansa.

Base sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pilipino Program o 4Ps na ipang-aayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino na naapektuhan ng COVID-19.

Ayon kay Roque, sinamantala lamang ng Pilipinas ang pangungutang habang maganda ang credit rating ng bansa.

Inihalimbawa ni Roque ang credit rating na nakuha ng Pilipinas sa Japan kung saan nasa AAA- na ang bansa mula sa BBB+; at sa Standard & Poor’s, ay BBB+ naman na ang Pilipinas.

Ayon kay Roque, hindi pa nada-download ang naturang mga pondo.

Matagal na proseso aniya ang pagkuha sa pera.

 

TAGS: ADB, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, Loan, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, worldbank, ADB, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, Loan, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, worldbank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.