Limang hinihinalang miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Negros Oriental

Limang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro sa mga otoridad sa Mabinay, Negros Oriental.

Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at ng mga tauhan ng 11th Infantry Battalion, 94th Infantry Battalion, Regional Mobile Force Battalion 7 at Mabinay police.

Nagsimula ang bakbakan alas 12:45 ng madaling araw sa Sitio Talingting sa Barangay Luyang.

Nagtungo sa lugar ang mga otoridad matapos makatanggap ng impormasyon na mayroong wanted personality na kasama ang grupo ng mga armadong lalaki sa Sitio Talingting.

Pagdating sa lugar ay agad silang pinaputukan ng mga rebelde.

Na-recover ng mga otoridad ang tatlong M16 rifles, isang AK47, isang caliber .45 pistol, tatlong AK47 magazines, apat na rifle grenades, at isang improvised explosive device.

 

Read more...