Kaso ng COVID-19 sa India mahigit 360,000 na
By Dona Dominguez-Cargullo June 18, 2020 - 10:53 AM
Mahigit 13,000 pang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa India sa nakalipas na magdamag.
Sa huling datos ang India ay mayroon nang 367,264 na kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Umabot naman na sa mahigit 12,200 ang nasawi sa India dahil sa sakit.
Ang India ay pang-apat na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.