Mga batang ulila at inampon ng DSWD sakop na ng Philhealth coverage

DSWD feeding
Inquirer file photo

Sakop na ngayon ng universal health program ng pamahalaan ang mga batang ulila na sa mga magulang at iyung mga iniwan sa mga bahay-ampunan o health institutions na pingangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ilalim ng nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) at DSWD, nagkakahalaga lamang ng P2,400 ang taunang premium na babayaran ng DSWD para sa kada tatlong batang sasakupin ng insurance package.

Sinabi ni Philhealth President Alexander Padilla na kasama sa coverage ang hospitalization ng mga batang Philhealth member.

Sakop din ng programa ang mga 21-anyos pababa na nasasangkot sa ilang kaso at iyung mga mga tinatawag na “children with special needs”.

Sa pagsisimula ng nasabing program, aabot sa 3,000 mga kabataan kaagad sa ilalim ng mga institusyong nasa kontrol ang DSWD ang makikinabang sa universal health program.

Sinabi pa ni Padilla na sa mga susunod na buwan ay mapapakinabangan na rin ng mga kabataang mga nasa private institution ang nasabing programa.

Read more...