Barko ng China na ginagamit sa ‘dredging’ sumadsad sa Zambales

By Dona Dominguez-Cargullo June 18, 2020 - 10:05 AM

Sumadsad sa baybayin na sakop ng Botolan, Zambales ang isang Chinese dredger.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) nag-deploy na ng team ang
Philippine Coast Guard (PCG) para magsagawa ng survey at inspeksyon sa sumadsad na dredger.

Ang MV Zhong Hai 69 Alfa na isang Chinese-registered dredger ay sumadsad sa baybayin ng Barangay Bangan.

Pinasok na ng tubig ang engine room at compartments ng barko.

Magsasagawa ng salvage operations ang coast guard para maialis sa lugar ang barko.

Ayon sa PCG – Zambales wala namang senyales ng oil leak mula sa dredger.

Tiniyak naman ni PCG Commandant George Ursabia na ang coast guard ang mamamahala sa salvaging at patuloy na babantayan ang sitwasyon.

 

 

TAGS: botolan, chinese dredger, Inquirer News, MV Zhong Hai 69 Alfa, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, zambales, botolan, chinese dredger, Inquirer News, MV Zhong Hai 69 Alfa, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.