Municipal hall ng La Trinidad, Benguet pansamantalang isinara
By Dona Dominguez-Cargullo June 18, 2020 - 09:54 AM
Isinara pansamantala ang municipal hall ng La Trinidad, Benguet.
Ito ay matapos na tatlong pulis, isang health worker at isang estudyante ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay La Trinidad Mayor Romeo Salda, hindi muna tatanggap ng transaksyon sa munisipyo at ang mga empleyado ay hindi muna papapasukin.
Ang Cordillera ay mayroon nang 101 kaso ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mga bagong kaso ang Benguet at Mountain Province.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.