15 manggagawa sa depot ng MRT-3 nagpositibo sa COVID-19

Magsasagawa na ng rapid antibody testing ang MRT-3 sa lahat ng mga empleyado nito.

Ito ay makaraang 15 manggagawa sa MRT-3 depot ang magpositibo sa COVID-19.

Ang 15 manggagawa at pawang mula sa Sumitomo-MHI-TESPI na maintenance provider ng MRT-3.

Bilang bahagi ng precautionary measure, simula ngayong araw, lahat ng MRT-3 at Sumitomo-MHI-TESPI depot personnel ay sasailalim sa rapid testing.

Mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang magsasagawa ng tests.

Ang mga magpopositibo sa rapid antibody testing ay agad isasailalim sa RT-PCR confirmatory testing.

Isasailalim din sila sa self-quarantine habang hinihintay ang resulta ng test.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati, magsasagawa ng sila ng regular na depot-wide disinfection.

 

 

 

Read more...