3 nasawi sa sunog sa Antipolo City

Tatlo ang nasawi sa sunog na naganap kahapon (June 17) sa Brgy. Bagong Nayon, Antipolo City.

Kabilang sa nasawi ang dalawang bata matapos ma-trap sa natupok na bahay.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection – Antipolo ang mga nasawi na sina Jenny Tabon, 38 anyos; Cyrus Andrei Geronimo, 7 anyos at Clark Jade Cambronero, 3 anyos.

Pasado alas 4:00 ng hapon nang magsimula ang sunog at naapula alas 5:30 ng hapon.

Gabi na nang ma-recover ng mga otoridad ang mga labi ng tatlong nasawi.

Hindi naman bababa sa 10 bahay ang natupok.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

\

Read more...