Kaso ng COVID-19 sa Brazil mahigit 960,000

By Dona Dominguez-Cargullo June 18, 2020 - 08:50 AM

Sumampa na sa mahigit 960,000 ang kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Sa pinakahuling datos ay umabot na sa 960,309 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Ito ay matapos na makapagtala ng mahigit 31,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 477,000 ang naka-recover na sa Brazil habang mayroon pa itong mahigit 431,000 na aktibong kaso.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19 ay mahigit 46,000 na.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

Pangalawa na rin ito sa mga bansang mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

 

 

TAGS: Brazil, covid cases, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Brazil, covid cases, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.