BPI may scholarship program para sa anak ng mga pumanaw na medical frontliners
Mayroong scholarship program ang BPI para sa mga anak na naulila ng mga pumanaw na medical frontliners.
Sa ilalim ng “PAGPUGAY Scholarship” program ng BPI, pipili ito ng 10 na anak ng mga pumanaw na medical frontliner para libreng pag-aralin sa loob ng limang taon.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni BPI Foundation Executive Director Owen Cammayo na
nagpapatuloy na ngayon ang selection process ng BPI katuwang ang mga ka-partner nilang top universities sa bansa.
Ayon kay Cammayo, bawat scholar ay paglalaanan ng P100,000 na scholarship fund kada taon para sa kanilang tuition fees at miscellaneous expenses.
Kwalipikadong mag-apply ang mga anak ng pumanaw na medical frontliners kabilang ng mga sumusunod:
– Doctors
– Nurses
– Medical technologists
– Community health workers
– Administrative, utility, and support services personnel in health care facilities
Narito naman ang mga partner university ng BPI para sa naturang programa:
– Ateneo de Manila University
– De La Salle University (Manila)
– Mapua University (Manila and Makati)
– Malayan Colleges of Laguna and Mindanao
– Mindanao State University – Iligan Institute of Technology
– National Teachers College
– Saint Louis University – Baguio
– Silliman University
– University of Nueva Caceres
– University of Santo Tomas (Manila)
– University of San Carlos
– Xavier University – Cagayan de Oro
Para sa mga nais mag-apply maaring makita ang requirements sa https://www.msuiit.edu.ph/announcements/detail.php?id=1429 at maaring magsumite ng aplikasyon sa
[email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.