Kapitan ng barangay sa Maynila nasawi sa pamamaril

Nasawi makaraang pagbabarilin ang isang kapitan ng barangay sa Quiapo, Maynila.

Nasa quarantine control point sa Barangay 384 ang biktimang si Abubakar Shariff nang siya ay barilin ng suspek dakong alas 11:00 ng gabi ng Miyerkules (June 17).

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Ang ama ni Shariff na dati ring kapitan ng barangay ay nasawi din sa pamamaril walong taon na ang nakararaan.

Na-recover sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16.

 

Read more...