Presidente ng Honduras na-ospital matapos na magpositibo sa COVID-19
Dinala sa ospital ang presidente ng Honduras na si Juan Orlando Hernandez.
Nitong linggong ito inanunsyong positibo sa COVID-19 si Hernandez.
Ayon kay Francis Contreras, tagapagsalita ng Honduran health agency kinailangang dalhin sa isang specialized medical care sa isang military hospital ang presidente matapos magkaroon ng pneumonia.
Sinabi ni Contreras na maayos naman ang kondisyon ng 51 anyos na presidente.
Ang kaniyang asawa na si Ana Garcia ay nagpositibo rin sa COVID-19 gayundin ang dalawa nilang aide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.