Nasawi sa US dahil sa COVID-19 mahigit 119,000 na

Umabot na sa mahigit 119,000 ang bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala pa ng mahigit 700 pang nasawi sa US dahil sa naturang sakit sa nakalipas na magdamag.

Sa pinakahuling datos, ang US ay nakapagtala rin ng mahigit 23,900 bagong kaso ng sakit.

Sa ngayon ay nasa mahigit 2,232,000 na ang total cases ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mayroong mahigit 911,000 na naka-recover sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 1.2 million na aktibong kaso.

 

 

 

Read more...