Global cases ng COVID-19 sumampa na sa mahigit 8.3 million

By Dona Dominguez-Cargullo June 18, 2020 - 06:53 AM

Umakyat na sa mahigit 8.3 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 8,383,117 na ang global cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, mayroong mahigit 450,000 na ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 4.3 million ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 3.5 million pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 54,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa halos 132,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at mahigit 5,000 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, global cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, global cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.