4 na fire volunteer sugatan sa aksidente sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo June 18, 2020 - 06:39 AM

Apat na fire volunteer ang nasugatan nang maaksidente ang sinasakyan nilang fire truck sa Ermita, Maynila Huwebes (June 18) ng madaling araw.

Nangyari ang aksidente sa UN Avenue kanto ng San Marcelino.

Ang fire truck na pag-aari ng Execom Fire & Rescue ay binangga ng isang 14-wheeler truck pagsapit sa nasabing intersection.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumagilid ang fire truck at naipit ang isang fire volunteer.

Agad itong dinala sa ospital matapos maiangat ang truck gamit ang forklift.

Sugatan din ang nagmamaneho ng fire truck at dalawa pang sakay nito.

Galing ng Manila Harbor ang trailer truck at patungo dapat ng Batangas.

Hawak na ng Manila Police Traffic Investigation Bureau ang driver ng trailer truck na si Mark Sabayan na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property.

 

 

 

TAGS: accident, fire truck, fire volunteers, Inquirer News, manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, fire truck, fire volunteers, Inquirer News, manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.