Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 392

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Miyerkules, June 17) , nadagdagan ng 2 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 392 habang 135 ang active cases.

Nanatili sa 77 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 604.

Samantala, nasa 111 ang bilang ng probable habang nasa 514 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

 

Read more...