Palimbang, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 87 kilometers southwest ng bayan ng Palimbang, alas-12:48 madaling araw ng Huwebes (June 18).

May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...