100 empleyado ng Pasig City government, regular na

By Angellic Jordan June 17, 2020 - 10:06 PM

Na-regular na ang 100 empleyado ng Pasig City government.

Kasabay ng kaniyang ika-31 kaarawan, pinirmahan ni Mayor Vico Sotto ang appointment papers ng 100 empleyado ng Pasig LGU.

Ilan aniya sa mga makaka-enjoy na ng kanilang regular status ay ang mga streetsweeper at engineering aide.

Sinabi ng alkalde na lahat ng bagong regular na empleyado ay mahigit 20 taon nang kontraktwal sa lokal na pamahalaan ng Pasig.

“I am happy to announce: WALA NANG NAIWAN NA KONTRAKTWAL SA MGA EMPLEYADO NATING MAHIGIT 20 YRS NANG NASA SERBISYO,” pahayag ni Sotto.

Kahit mayroong pagkaantala dahil sa COVID-19, tiniyak ng alkalde na tuloy pa rin ang employee regularization program sa lungsod.

TAGS: Angellic Jordan, employee regularization program in Pasig LGU, Vico Sotto, Angellic Jordan, employee regularization program in Pasig LGU, Vico Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.