Mandaluyong City, magpapatupad ng bagong oras ng curfew

Magpapatupad ang Mandaluyong City government ng bagong oras ng curfew sa kasagsagan ng umiiral na community quarantine.

Ito ay dahil posible anilang hindi makauwi ang mga residente sa kani-kanilang bahay sa naunang itinakdang curfew hours bunsod ng limitadong transportasyon.

Unang ipinatupad ang curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.

Nakasaad pa sa City Ordinance no. 783, series of 2020 na, “There is a need to relax the curfew hours since public cooperation with virus-control measures – including no social gatherings and people keeping a safe distance are already practiced and in placed aside from the normal health standards and protocols imposed by the City and National Government.”

Magsisimula ang curfew bandang 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.

Paalala ng Mandaluyong LGU, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglabas sa mga senior citizen, may edad 21 pababa, may health risk at buntis.

Papagayan lamang aniyang makalabas ang mga nabanggit kung may emergency o kailangang gawin.

Read more...