Nadagdagan ng lima ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, karamihan sa mga bagong kaso ng nakakahawang sakit ay menor de edad at anak ng mga pasyenteng nagpositibo rin sa COVID-19.
“Sa mga magulang, doblehin po ninyo ang pag-iingat. Sa pag-iingat ninyo sa inyong sarili, napoproteksyunan nyo rin ang inyong mga anak at lahat ng mga kasama ninyo sa bahay,” paalala ng alkalde.
Sa huling datos hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (June 17), umakyat na sa kabuuang 347 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Dalawa naman ang bagong napaulat na gumaling sa pandemiya sa Navotas City.
Dahil dito, umabot na sa 173 ang total recoveries sa lungsod habang nanatili sa 40 ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.