Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,902

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (June 17, 3:00 PM) nakapagtala ng 37 na bagong kaso kaya pumalo na sa 1,902 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 445
Laguna – 551
Batangas – 244
Rizal – 523
Quezon – 139

Nasa 1,032 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 14 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 172
Laguna – 335
Batangas – 164
Rizal – 262
Quezon – 99

Nadagdagan ng isa ang COVID-19 related deaths kaya umabot na ito sa rehiyon sa 172.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 31
Laguna – 37
Batangas – 27
Rizal – 67
Quezon – 10

Read more...