Umabot na sa 264 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Batay sa datos Department of Health EV CHD hanggang 3:00, Miyerkules ng hapon (June 17), sa nasabing bilang ay 227 ang naka-confine pa sa mga ospital at naka-isolate.
Narito ang naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Leyte – 133
– Southern Leyte – 7
– Northern Samar – 7
– Biliran – 4
– Eastern Samar – 4
– Samar – 49
– Tacloban City – 21
– Ormoc City – 42
Nasa 37 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa Eastern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.