Isasara sa daloy ng trapiko mamayang alas-singko ng hapon hanggang alas-dose ng hating-gabi ang dulong bahagi ng EDSA malapit sa MRT-Taft station.
Sa kanilang advisory, sinabi ng Metro Manila Development Authority na asahan ang mabisat na daloy ng trapiko sa daan pero nagdagdag na sila ng mga tauhan para gabayan ang mga apektadong motorist.
Nauna nang sinabi ng Department of Transportation and Communications na magasasagawa sila ng expansion works sa lugar kabilang na ang pagdaragdag ng mga bagong coaches ng MRT.
Sa susunod na buwan ay inaasahang magiging fully-operational na ang mga bagong coaches ng MRT na inaasahang magbibigay ng ginhawa para sa mga daily commuters ng buong rail system.
Naglagay na rin ang MMDA ng mga detour signs sa mga maaapektuhang ruta mamaya.